MARIKINA
Pasyal Na!!!
"Bawat oras, serbisyo sa tao"
"Gawang Marikina, Gawang Kinikilala"
http://www.marikina.gov.ph
|
Hon. Del R. De Guzman |
Pagdating namin sa Lungsod ng Marikina, agad kong napansin ang linis ng lugar. Hindi nakapagtatakang sila ang tinaguriang "Pinakamalinis at luntiang lungsod sa buong Pilipinas"
Una naming binisita ang Munisipyo upang makapanayam ang mayor ng Marikina na si Hon. Del R, De Guzman. Dito namin napagtanto na kilala rin ang Marikina sa larangan ng pagbibisekleta at hindi lamang sa paggawa ng sapatos. Nagtatalaga sila ng sariling linya sa kalsada na para lamang sa mga bisekleta.
|
Munisipyo |
|
Pinakamalaking pares ng sapatos sa buong mundo |
Sunod naman naming pinuntahan ang pinakamalaking pares ng sapatos sa buong mundo na matatagpuan sa Marikina Riverbank Shoes Gallery. Ito ay ginawa noong taong 2002. Ito ay may sukat na 5.9 metro ang haba, 2.37 metro ang lapad at 1.38 metro ang taas. Ang takong naman ay may sukat na 16 pulgada.
|
Pagawaan ng sapatos |
Bumisita rin kami sa isang pagawaan ng sapatos upang alamin ang mga proseso sa paggawa ng mga ito. Nakapanayam namin dito ang isang
sewer o ang nagtatahi ng sapatos. Dito, nadagdagan ang aming kaalaman tungkol sa mga proseso ng paggawa ng sapatos tulad ng pag-aareglo, pagtatakong, pagsuswelas at finishing o ang paglilinis ng sapatos.
|
kotseng sapatos sa nakaraang Sapatos Fesival
|
|
Markina Sports Center |
Binisita rin namin ang Marikina Sports Center kung saan nagaganap ang mga paligsahan, programa at pagsasanay sa iba't ibang larangan ng isports. Ang lugar na ito ay may isang malaking
oval track,
basketball court,
volleyball court,
football field,
swimming pool,
tennis court at iba pa.
|
Cafe Lidia |
Sunod naman naming pinuntahan ang isa sa mga pinakasikat na kainan sa Marikina, ang Cafe Lidia. Ito ay matatagpuan sa 64 Calderon St., Kalumpang, Marikina City.
|
Teatro Marikina |
Nagpunta naman kami sa Teatro Marikina kung saan nagaganap ang mga programa sa larangan ng sining.
|
Cafe Kapitan Restaurant |
Nagpunta rin kami sa Cafe Kapitan Restaurant.
Dito matatagpuan ang rebulto
at mga larawan ni kapitan moy. Si kapitan moy ang nagdala ng industriya ng sapatos sa Marikina.
|
Museo ng mga Sapatos |
Sunod naming pinuntahan ang museo ng mga sapatos. Dito matatagpuan ang 800 na pares ng sapatos ng asawa ng dating pangulong Marcos na si Imelda Marcos. Dito rin makikita ang mga sapatos ng mga sikat na personalidad. Matatagpuan din dito ang mga disenyo ng sapatos sa iba't ibang bansa. Maaari ring hawakan ang iba-ibang uri ng tela. Nandito rin ang mga sapatos na ginawa ng mga taga-Marikina at ang mga sapatos na hindi pa inilalabas sa pampublikong pamilihan.
|
ilan sa mga sapatos ni Imelda Marcos |
Alam niyo ba kung bakit madami ang sapatos ni Imelda Marcos?
Ito ay dahil binibigyan siya ng sampung pares ng sapatos kada linggo noong panahon ng administrasyong Marcos ng mga pagawaan sa Marikina. Tuwing nagugustuhan niya ang disenyo ng sapatos, nagpapagawa siya nito ngunit iba ang kulay.
|
putong pulo |
Ito ang isa sa mga pinakatanyag na pagkaing ipinagmamalaki ng Marikina, ang putong pulo. Ito ay puto at kutsintang pinagsama na nilagyan ng keso na ibabaw.
Sunod naman naming pinuntahan ang Mama Chit's. Ito ay isa sa mga sikat na kainang sinasadya ng mga kilalang personalidad dahil sa sarap at laki ng mga pagkain.
|
Family Size Burger ng Mama Chit's |
ProyektongPanturismoBaitang7Filipino